^

Probinsiya

Killer truck: 3 katao todas

-

RIZAL – Tatlo-katao kabilang na ang isang 11-anyos na lalaki ang iniulat na namatay habang nasa malubhang kalagayan ang 10 iba pa makaraang araruhin ng isang dump trak ang anim na sasakyan bago ito sumalpok sa junkshop sa Barangay San Isidro sa bayan ng Taytay, Rizal kahapon. Kabilang sa mga nasawi ay sina Jonjon Miranda, 11; Noel Macabuhay at ang isang lalaki na pansamantalang ‘di-pa kilala. Si Miranda ay nakaangkas sa motorsiklong minamaneho ng kanyang ina ay naunang sinalpok ng trak, habang si Macabuhay na  drayber ng owner-type jeep na nasalpok din ng trak at namatay habang ginagamot sa Manila East Medical Center. Naaresto naman ang drayber ng nasabing trak na hindi na muna pinangalanan kung saan nakipaghabulan sa mga barangay tanod matapos magtangkang tumakas. Napag-alamang binabaybay ng dump trak (WJF-291) ang kahabaan ng Tikling, Dolores Villages patungong Maynila nang mawalan ng preno at naunang sinalpok ang motorsiklo ng mag-inang Miranda at isang Mitsubishi Lancer (ULN-960) at isang pampasaherong jeepney. Nakaladkad pa ng dump trak ang tatlong sasakyan bago ito sumalpok sa junkshop kung saan nakaparada ang owner-type jeep ni Macabuhay at dalawa pang motorsiklo. Edwin Balasa

vuukle comment

BARANGAY SAN ISIDRO

DOLORES VILLAGES

EDWIN BALASA

JONJON MIRANDA

MACABUHAY

MITSUBISHI LANCER

NOEL MACABUHAY

SI MIRANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with