Rebelde nabitag

Nasakote ng militar ang isang kilabot na lider ng New People’s Army na sangkot sa extortion  sa kahabaan ng Domiroc Bridge, Barangay Lampa­san, Misamis Oriental, kamakalawa.

Kinilala ni Army Spokesman Lt. Col. Ernesto Torres Jr., ang suspek na si Euse­bio Hadraque alyas Ka Boyax, Commander ng Rehiyon Sentro de Grabi­dad 2, Regional Operational Command ng Western Mindanao Regional Party  Committee.

Nasamsam mula sa pag-iingat nito ang isang M14 rifle, anim na magazine ng M 16 rifle at 125 rounds ng bala. (Joy Cantos)

Show comments