Umali pumalag sa kaso

CABANATUAN CITY – Pang­gugulo lamang at wa­lang malinaw na bata­yan ang inihain na tatlong ka­song graft sa Ombudsman laban kay Nueva Ecija Governor Aurelio “Oyie” Umali ni Vice Governor Edward Thomas Joson upang mapag­takpan la­mang ang maha­bang lis­tahan ng krimen ng na­karaang admi­nistrasyon ng Joson.

Si Umali ay inakusahan ni Joson sa umano’y over pricing ng 93 units ng mul­ticab, illegal hiring ng isang information officer at isang government consultant.

Ayon kay Umali, gimik lang ito ni Joson para pag­tak­pan ang kasong graft laban sa ama nito na si dating Governor Tomas Joson III.

Sinabi rin ni Umali na nagtataka siya, dahil nga­yon lang nila nakita na may overpricing samantalang namili rin sila ng multicab na nagkakahalaga din ng P160,000 ang bawat  isa na mababa pa umano ang kla­se sa nabili nilang P175,000 bawat isa na mas superyor ang klase. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments