Dahil sa text messages, nabuking ang pagtataksil ng isang misis ng kanyang mister sa Barangay Dayao, Roxas City, Capiz kamakalawa. Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagising ang 45 anyos na mister na tinukoy lamang sa pangalang Roberto nang biglang mag-vibrate ang celfone ng kaniyang asawang si Jona. Agad na kinuha ni Roberto ang celfone na may text messages mula sa kanilang kapitbahay na nagyaya sa kanyang misis na magkita sa tagpuan. Nagising naman si Jona kung saan nag-agawan pa ang mag-asawa sa celfone kaya mahulog ang mga ito sa kama. Nag-alburuto ang mister kung saan nagmamadaling umalis naman ang kaniyang misis na posibleng makikipagkita sa ka-text nitong lover. Dahil dito, napilitang magreklamo sa pulisya si Roberto at kasalukuyang pinag-aaralan na ng Women and Children Complaint Section (WCCS) ng Roxas City PNP ang karampatang aksyon upang hindi na lumala pa ang problema ng mag-asawa. Joy Cantos