^

Probinsiya

Mister patay sa pila ng NFA rice

- Joy Cantos -

Dahil sa tindi ng sikat ng araw ay namatay sa heat stroke ang isang 58-anyos na mister sa mahabang pila sa bentahan ng bigas ng National Food Authority (NFA) sa Cagayan de Oro City kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Henry Valle ng Sitio San Juan Dos sa Ba­rangay Lapasan ng na­sabing lungsod.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sinabi sa mga awtoridad ni John Paul Valle, anak ng biktima  na bigla na lamang natumba sa maha­bang pilahan para makabili ng bigas ang kani­yang ama.

Lumilitaw na bandang alas-8 ng umaga ay pumila na ang mag-amang Valle sa Bigasan ni Gloria outlet sa Agora Market.

Gayon pa man, maka­lipas ang ilang oras na pagtitiyaga sa pagpila kahit matindi ang sikat ng araw ay bigla na lamang   natum­ba  ang matandang Valle.

Isinugod sa Northern Mindanao Medical Center si Valle subalit idinekla­rang patay ng mga doctor.

Isinisisi naman ng pa­milya Valle sa gobyerno ang kumakalat na artipisyal na krisis sa bigas na labis na nagpapahirap sa mga residente hindi lamang sa kanilang lungsod kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa.

AGORA MARKET

CAMP CRAME

HENRY VALLE

JOHN PAUL VALLE

NATIONAL FOOD AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with