Isang diplomat mula sa Saudi Arabia ang napaulat na inayawan ni kamatayan matapos itong ma-overdose sa viagra (sildenafil citrate) sa Iloilo City kamakalawa.
Sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, ang nasabing diplomat mula sa Middle East na hindi tinukoy ang pagkikilanlan ay naka-billet sa isang hotel sa Diversion Road sa Mandurriao District ng nabanggit na lungsod.
Napag-alamang uminom ng dalawang tableta ng viagra na pinaniniwalaang may 25 mg, isang uri ng gamot ng mga lalaking matatanda (erectile dysfunction) para ganahan sa pakikipag-sex.
Posibleng hindi sinunod ng diplomat ang paggamit ng viagra na 30 minuto hanggang 4-oras iinumin bago ang sexual activity
Gayon pa man, limang minuto matapos inumin ang viagra ay nakaranas ng pagkahilo, paninikip ng dibdib at nahirapang huminga ang diplomat kaya tumawag ito ng saklolo sa mga kasamahan at napigilan ang pagsalubong ni kamatayan.
Samantala, bunsod naman ng pag-inom ng dalawang tableta ng viagra na itinuturing na makasasama sa kalusugan ng maysakit sa puso ay nanigas ang pagkalalaki ng diplomat sa loob ng anim na oras.
Nabatid pa na makalipas mabigyan ng lunas, muling bumalik sa kanyang bansa ang foreign dignitary.