CAVITE – Tatlong kababaihan ang iniulat na nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng ‘di-pa kilalang lalaki sa Barangay Datu Esmael sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng hapon.
Isa sa tatlong napaslang ay nakilalang si Shiela Rascal, 25, ng Phase 4 Brgy. Paliparan habang ginagamot naman sa ospital si Cora Cesco, 4, Ilang Ilang Street sa nabanggit na barangay.
Sa ulat nina SPO1 Valero Bueno at PO1 Marvin Causaren, magkakasamang naglalakad ang mga biktima nang ratratin ng nag-iisang lalaki.
Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong may kaugnayan sa bawal na droga ang motibo ng krimen. (Cristina Timbang)