Sampung bata ang napaulat na isinugod sa Western Visayas Regional Hospital makaraang malason sa kinaing bunga ng tuba-tuba sa Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Lorelie Garilva, Jun Nono, Joven Basco na pawang 13-anyos; Agustin Señeres, 15; Ian Basco at Jomel Pesuro na kapwa 11-anyos; Giovani Señeres, Dionisio Togle na kapwa 12-anyos; Charles Villarit, 7 at si Jimmy Togle, 3.
Napag-alamang namitas ng bunga ng tuba-tuba ang mga biktima sa compound ng Kansilayan Elementary School bandang alas-2 ng hapon.
Gayon pa man, makalipas ang ilang minuto ay nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, ulo, pagtatae at labis na pagsusuka ang mga biktima.
Bunga nito ay nag-panic ang mga magulang kaya isinugod ang mga bata sa nabanggit na ospital. (Joy Cantos)