^

Probinsiya

10 bata nalason

-

Sampung bata ang napaulat na isinugod sa Western Visayas Regional Hospital makaraang malason sa kinaing bunga ng tuba-tuba sa Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina  Lorelie Garilva,  Jun Nono,  Joven Basco na pawang 13-anyos; Agustin Señeres, 15; Ian Basco at Jomel Pesuro na kapwa 11-anyos; Giovani Señeres, Dionisio Togle na kapwa 12-anyos; Charles Villarit, 7 at si Jimmy Togle, 3.

Napag-alamang namitas ng bunga ng tuba-tuba ang mga biktima sa compound ng Kansilayan Elementary School bandang alas-2 ng hapon.

Gayon pa man, makalipas ang ilang minuto ay nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, ulo,  pagtatae at labis na pagsusuka ang mga biktima.

Bunga nito ay nag-panic ang mga magulang kaya isinugod ang mga bata sa nabanggit na ospital. (Joy Cantos)

 

vuukle comment

AGUSTIN SE

CAMP CRAME

CHARLES VILLARIT

DIONISIO TOGLE

ELEMENTARY SCHOOL

GIOVANI SE

PLACENAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with