^

Probinsiya

18 ‘hot cars’ nasamsam

- Edwin Ian Melecio -

CEBU – Aabot sa 18 “hot cars” ang iniulat na nasam­sam, makaraang salakayin ng mga tauhan ng Presidential Anti-Smuggling Group at Regional Intelligence Office ang mala­king bodega sa Gate 3 Sacris Extension sa Man­daue City kamaka­lawa.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Geral­dine Faith Econg ng Cebu Regional Trial Court at dahil sa paglabag sa Executive Order 156 na ini­labas ni Pre­sidente Gloria Arroyo noong 2003, ni-raid ang car surplus store ng Song Pa Motors Tra­ding na pag-aari ni Michael Men­gasca, ngu­ nit ayon sa na­ku­hang im­pormasyon  ay pinani­niwa­laang dummy lamang ito ng tatlong Ko­reano.

Sa panayam ng PSNGAYON kay PASG-7 deputy director Ricardo “Jojo” Collantes, may nakita silang nakasabit na mga LTO registered plates ma­lapit sa kina­lalagyan ng mga sasak­yan ngunit di-pa matu­koy kung plano ba itong ika­bit.

Hinihintay na lang ni Collantes si Mengasca na magbigay ng nilagdaang statement na ito nga ay dummy lamang at ang to­toong nagmamay-ari  ay ang mga Koreano.

Dahil dito ay posibleng mahaharap sa paglabag sa Anti-Dummy Law si Men­gasca at ang tatlong Ko­reano at posible ring ma-deport palabas ng bansa.

Napag-alamang hindi rin awtorisadong car dealer ang nasabing tindahan dahil mo­­tor­­siklo lamang ang naka­saad sa kanilang permiso na kani­lang pwe­deng ibenta batay na rin sa report ng Department of Trade and Industry.

Kabilang sa mga sasak­yang nasamsam ay Kia Sportage, Kia Rio, Hyundai Sonata na kasalukuyan pa ring tinitingnan ang kabu­uang halaga nito.

Patuloy ang imbesti­gas­yon  habang inaalam pa ang ang pagkikilanlan  ng tatlong Koreano habang ang mga sasakyang nasam­sam ay nasa parking lot ng Cebu International Port Authority.

ANTI-DUMMY LAW

CEBU INTERNATIONAL PORT AUTHORITY

CEBU REGIONAL TRIAL COURT

COLLANTES

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with