P.8-M ukay-ukay sinamsam
CEBU CITY – Sinamsam ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group 7 ang tinatayang P800,000 na halaga ng mga ukay-ukay mula sa isang bodega sa Rabaya Street sa South Reclamation Area ng Talisay City kamakalawa ng gabi.
Ang ronda ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inilabas ni RTC Branch 9 Judge Geraldine Faith Econg dahil sa paglabag sa RA 4653 na nagbabawal sa pag-import ng mga used clothings na ibebenta.
Isang nagngangalan Myrna Solomon ang sinasabing may-ari ng nasabing mga ukay-ukay ngunit ‘di na ito inabutan ng grupo ni Sr. Insp. Patrick Freddie Vaño sa lugar.
Ayon sa kanya ay gumagamit ng fictitious names ang importer nito sa ilalim ng ibat-ibang pangalan ng mga non-governmental organization ngunit imbes na ipamigay nang libre ay ipinagbibili ito sa murang halaga. (Edwin Ian Melecio)
- Latest
- Trending