Cell site ng Globe, Sun sinunog

LEGAZPI CITY – Aabot sa milyong ari-arian ang nawasak maka­raang pasabugin at sunu­gin ng mga rebeldeng New People’s Army, ang cell site ng Globe Tele­com at Sun Cellular sa Barangay Tabon-Tabon sa bayan ng Irosin, Sor­sogon kahapon ng ma­daling-araw.

Ayon sa ulat, dinis­armahan ang nag-iisang sikyu na si Apolinario Gabion saka pinasabog ang cell site ng Globe. Kasu­nod nito, sinunog din ng mga rebelde ang cell site ng Sun Cellular na may ilang metro lamang ang layo sa pinasabog na cell site.

May teorya ang pu­lisya na may kaugnayan sa revolutionary tax na hinihingi ng NPA mula sa mga may-ari ng cell site subalit patuloy na tuma­tangging magbigay. (Ed Casulla)

Show comments