Cell site ng Globe, Sun sinunog
LEGAZPI CITY – Aabot sa milyong ari-arian ang nawasak makaraang pasabugin at sunugin ng mga rebeldeng New People’s Army, ang cell site ng Globe Telecom at Sun Cellular sa Barangay Tabon-Tabon sa bayan ng Irosin, Sorsogon kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa ulat, dinisarmahan ang nag-iisang sikyu na si Apolinario Gabion saka pinasabog ang cell site ng Globe. Kasunod nito, sinunog din ng mga rebelde ang cell site ng Sun Cellular na may ilang metro lamang ang layo sa pinasabog na cell site.
May teorya ang pulisya na may kaugnayan sa revolutionary tax na hinihingi ng NPA mula sa mga may-ari ng cell site subalit patuloy na tumatangging magbigay. (Ed Casulla)
- Latest
- Trending