^

Probinsiya

Negosyante dinukot

-

Doble kamalasan ang sinapit ng isang negosyante matapos na ma-carjack na ang sasakyan ng live-in partner ay kidnapin pa ng mga armadong lalaki sa Bocaue, Bulacan kamakalawa.

Ang insidente ay inireport sa mga awtoridad  ni Angelica Angeles, 49 anyos, residente ng 21 Jonah St., Metrogate Complex, Brgy. Pandayan, Meycauayan City, Bulacan at live -in partner ng biktima.

Kinilala naman ang biktima na si Fredelyn Dalafu na patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad matapos na tangayin ng mga kidnapper kasama ang kinarnap na behikulo.

Batay sa report ng Police Regional Office 3, naganap ang insidente sa bisinidad ng Brgy. Lolomboy, Bocaue dakong alas -8:40 ng umaga.

Nakaparada ang  kulay silver na  Hi-Lux na may plakang ZCC -931  ni Angeles sa harapan ng tahanan ng isang  Grace Santiago nang marinig nito ang komosyon.

Tinutukan umano ng apat na lalaki na nakasuot ng bonnet at armado ng maikling kalibre ng armas ang kaniyang live-in partner na si Dalafu, isang negosyante, na siyang nagmamaneho ng sasakyan.

Si Dalafu ay tinangay ng mga carjackers kasama ang  naturang sasakyan  patungo sa hindi pa malamang destinasyon. (Joy Cantos)

vuukle comment

ANGELICA ANGELES

BOCAUE

BRGY

BULACAN

FREDELYN DALAFU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with