Dalaga ginulpi dahil sa uban

Bugbog sarado sa sarili niyang ama ang isang 19 anyos na dalaga matapos na hindi nito bunutan ng uban ang una nitong Biyernes sa Car­ men, Cebu.

Halos hindi makagulapay ang dalagang si Mary Grace Bejoc sa sakit ng katawan sa tinamong tadyak, suntok ng ama nang dumulog ito sa him­pilan ng pulisya.

Nasakote naman ang sus­pek na nakilalang si Benedicto Bejoc , residente ng Brgy. Baring, Carmen, Cebu.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insi­dente sa tahanan ng pamilya Bejoc dakong alas-11:00 ng umaga.

Nagalit umano si Benedicto sa anak matapos itong tu­mang­ging bunutan siya ng uban dahilan may mahalaga itong aasikasuhin.

Dahil dito ay binugbog nito ang anak matapos na magalit sa dalaga dahilan inuuna pa umano ang mga kaibigan kaysa sa kaniya na ama nito.

Gayunman, sa kanilang paghaharap sa presinto ay pinalaya ang suspek matapos na magsumamo sa paghingi ng tawad sa anak na nanga­kong hindi na uulitin ang pambubugbog sa dalaga. (Joy Cantos)

Show comments