^

Probinsiya

5 dedo sa away ng 2 pamilya

-

COTABATO CITY –  Aabot sa lima-ka­tao ang iniulat na na­sawi habang ‘di-pa mabatid na bilang ang nasuga­tan maka­raang mag­sa­gupa ang dalawang pamil­yang magkala­ban sa bayan ng Datu Blah Sinsuat sa Shariff Ka­bungsuwan, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ni P/Supt. Da­­nilo Bacas, spokes­person ng PNP-ARMM, sumiklab ang bakbakan noong Hu­ webes ng hapon sa pagitan ng pamilyang Minalang at Tabu­naway kung saan pi­nag-aagawan ang ma­lawak na taniman ng niyog sa baybaying dagat ng Datu Blah Sinsuat. 

Sa kasalukuyan ay wala pang pagkaka­kilanlan sa mga na­ sawi at nasugatan sa ma­dugong sagupaan ng dalawang pamilya.

Napag-alamang ma­tagal nang may ‘rido’ o awayan ang dalawang pamilya pero kapwa tumanggi ang mga ito na ayusin sa pamamagitan ng ma­payapang paraan ang kanilang gusot.

Nagpadala si P/Chief Supt. Joel Gol­tiao, hepe ng PNP-ARMM, ng karagda­gang pulis upang mag­silbing peace keeping force sa tumitinding alitan sa naturang ba­yan.

Ayon pa kay Gol­tiao, umabot na sa 20 pa­milya ang nagsilikas sa kani-kanilang mga ta­hanan upang iwasan ang gulo mula sa mga naglalabang pamilya na kapwa armado ng ma­lalakas na kalibre ng baril. Malu Cade­lina Manar

vuukle comment

AABOT

AYON

BACAS

CHIEF SUPT

DATU BLAH SINSUAT

JOEL GOL

MALU CADE

SHARIFF KA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with