^

Probinsiya

Mga unggoy umatake sa baryo

- Antonieta Lopez -

BACOLOD CITY – Nagimbal ang mga re­sidente mula sa ta­himik na baryong sakop ng Negros Occidental ma­karaang umatake ang mga unggoy sa kani­lang kabahayan at ta­ngayin ang anumang pagkain at gamit noong Linggo ng umaga.

Sa ulat ng DYEZ Ak­syon Radyo, ang mga unggoy na ani­mo’y gutom na sumala­kay sa Sitio Camula­yan Gamay sa Barangay Mambaroto, Sipalay City ay nagsikain muna ng mga saging, root crops, pinya at  langka bago sinimulang pa­sukin ang kabahayan.

Ayon kay Maya Ba­cones, kalimitang pun­tirya ng isa o dalawang unggoy ang kanilang baryo dahil sa maya­bong na taniman ng prutas, subalit noong Linggo ng umaga ay kawan ng unggoy ang lumusob at winasak ang mga pananim.

Maging sa kaba­hayan ay pumasok at naghahanap ng pag­kain

Sa pahayag ni Da­vid Castro ng Negros Forest and Ecological Foundation, ang mga unggoy na kilalang may long-tailed maca­ques ay umatake sa naturang baryo dahil unti-unting nawawasak ang kagubatan na ka­nilang tirahan.

May posibilidad na ang mga punongkahoy na dati nilang pinag­kukunan ng pagkain ay pawang naubos na ng mga illegal logger.

BARANGAY MAMBAROTO

LINGGO

MAYA BA

NEGROS FOREST AND ECOLOGICAL FOUNDATION

NEGROS OCCIDENTAL

SHY

SIPALAY CITY

SITIO CAMULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with