Planta ng Dole sinunog
KIDAPAWAN CITY — Muli na namang naghasik ng karahasan ang mga rebeldeng New People’s Army makaraang sunugin ang mobile packing plant na pag-aari ng Dole Stanfilco sa Barangay Luvimin, Kidapawan City, North Cotabato noong Miyerkules ng gabi. May teorya si P/Chief Supt. Casimiro Medes, information chief ng PNP 12, revolutionary tax na hindi maibigay ng may-ari ng Dole ang isa sa motibo kaya sinunog ng mga rebelde ang pinakamalaking banana firm sa North Cotabato may isang kilometro ang layo mula sa Kidapawan-Makilala Highway. Noong Lunes, sinunog din ng mga rebelde P1.8 milyong sprayer truck na pag-aari rin ng Dole Stanfilco sa Barangay Kisante sa bayan ng Makilala na pinaniniwalaan din na may kaugnayan sa revolutionary tax. Malu Cadelina Manar
- Latest
- Trending