Aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang nilimas ng mga rebeldeng New People’s Army makaraang lusubin ang ilang bahay sa Barangay Binucayan sa bayan ng Loreta, Agusan del Sur kamakalawa ng umaga. Sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, ilang kabahayan ang niransak ng mga rebelde kung saan dinisarmahan si Faustino Ramiro ng dalawang baril habang natangay naman sa negosyante si Jomary Baballero ay ang two-way radio. Tinangay din ang mini-dump truck na pag-aari ng nasabing barangay bago tumakas ang mga rebelde sa direksyon ng Barangay San Mariano. Wala namang naiulat na nasugatan o pinatay sa nasabing pagsalakay ng mga rebelde na pinamumunuan ni Maximo Catarata, alyas Kumander Boyet ng Front Committee 34. Joy Cantos