Mag-asawa, anak nagutay

KIDAPAWAN CITY – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa at anak nilang babae makaraang masabugan ng granada habang natutulog sa loob ng ka­nilang bahay sa Barangay Sison sa bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat noog Lunes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mag-asawang sina Ramie at Erminda Bernardino, ang tatlong taong gulang nilang anak na si Erika. Samantalang nasa kritikal na kondisyon naman ang dalawang anak na sina Rico, 10 at Ramie, 2 na ngayon ay ginagamot sa ospital.

Ayon kay P/Chief Supt. Casimiro Medes, information officer ng PNP Regional Office No. 12, magkakatabing natutulog ang mga biktima nang may naghagis ng granada sa loob ng kanilang bahay.

Napag-alamang sa mismong higaan ng mag-asawa sumabog ang granada bago nadamay ang tatlo nilang anak.

May posibilidad na tumitinding alitan ng angkan ang isa sa motibo ng krimen habang patuloy naman ang imbesti­gasyon ng pulisya.(Malu Cadelina Manar)

Show comments