6 sugatan sa oil depot blast
Anim-katao ang iniulat na nasugatan makaraang su mabog ang tangke na imbakan ng liquified petroleum gas (LPG) ng Petron Corporation sa Misamis Occidental.
Kabilang sa mga biktima ay sina Pepen Conijos, Yaoming Tailaran, Noel Hansul, Juvy Acabo, Dioniso Ortiz at si Fedelito Cabilinga.
Sa ulat na nakarating sa
Ayon sa dalawang biktima na sina Ortiz at Cabilinga, nagdidiskarga sila ng 11-tangke ng LPG na walang laman sa isang trak na dadalhin sana sa Pagadian City nang makaamoy sila ng masangsang mula sa malaking tangke sa depot.
Dito nila nakita na biglang may kumislap sa tubo ng tang ke kasunod ang malakas na pagsabog hanggang sa madamay ang mga biktimang sina Conijos, Tailaran, Hansul at Acabo na mas malapit sa pagsabog.
Dahil sa panganib sa kanilang buhay, hiniling ngayon ng mga residente ng naturang lugar na ilipat na ang naturang oil depot sa mas ligtas na lugar matapos na mawasak ang ilan nilang gamit sa loob ng bahay dahil sa pagsabog.
Patuloy naman ang im bestigasyon ng mga kinauukulan sa naganap na pagsabog. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending