CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa buhay ng mag-ina matapos na mahulog mula sa sinasakyang balsa at malunod sa ilog na sakop ng Barangay Salvacion sa bayan ng Buhi, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Elizabeth Taduran, 43 at ang anak na si Samson Taduran, 3, kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay. Napag-alamang papauwi na ang mag-ina mula sa Poblacion nang maganap ang trahedya bandang alas-5 ng hapon. Ayon sa pulisya, natagpuan ang mga bangkay ng mag-ina bandang alas-10 ng gabi may limang kilometro ang layo sa kinaganapan ng insidente. (Ed Casulla)
Nene ni-rape slay ng adik
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 11-anyos na nene makaraang halayin ay pinaslang pa ng ‘di-pa kilalang lalaki na pinaniniwalaang adik sa droga sa Sitio Quisapi, Barangay Inaman Pequeno, Guinobatan, Abay kamakalawa ng hapon. Ang biktimang iniulat na nawawala pa noong Huwebes mula sa eskuwelahan ay natagpuang patay sa madamong bahagi ng nabanggit na barangay ay nakilalang si Mary Ann Pamplona, grade 5 pupil sa Guinobatan East Elementary School at residente ng Barangay Maguiron. Patuloy naman ang imbestigasyon sa naganap na krimen. (Ed Casulla)
Opisyal ng Sayyaf todas
Isa na namang opisyal ng grupong Abu Sayyaf ang iniulat na nasawi makaraang makasagupa ang tropa ng Phil. Army sa liblib na bahagi ng Sitio Buta-Buta sa Barangay Parian Dakula, Pandami, Sulu kahapon ng umaga. Bandang alas-7 ng umaga nang sumiklab ang sagupaan at napatay si Sam Andal, logistic at liaison officer ng grupong Abu Sayyaf. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, narekober sa lugar ng engkuwentro ang isang M-16 Armalite riffle, isang M-79 grenade, mga bala at magazine. (Danilo Garcia)