^

Probinsiya

Mag-ina nalunod sa ilog

-

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa buhay ng mag-ina matapos na mahulog mula sa sinasakyang balsa at malunod sa ilog na sakop ng Barangay Salvacion sa bayan ng Buhi, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Elizabeth Taduran, 43 at ang anak na si Samson Taduran, 3, kapwa nanini­rahan sa nabanggit na barangay. Napag-alamang pa­pauwi na ang mag-ina mula sa Poblacion nang maganap ang trahedya bandang alas-5 ng hapon. Ayon sa pulisya, natagpuan ang mga bangkay ng mag-ina  bandang alas-10 ng gabi may limang kilometro ang layo sa kinaganapan ng insidente. (Ed Casulla)

Nene ni-rape slay ng adik

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Brutal na ka­matayan ang sinapit ng isang 11-anyos na nene ma­karaang halayin ay pinaslang pa ng ‘di-pa kilalang lalaki na pinaniniwalaang adik sa droga sa Sitio Quisapi, Barangay Inaman Pequeno, Guinobatan, Abay ka­makalawa ng hapon. Ang biktimang iniulat na nawawala pa noong Huwebes mula sa es­kuwelahan ay natagpuang patay sa madamong bahagi ng nabanggit na barangay ay nakilalang si Mary Ann Pamplona, grade 5 pupil sa Guinobatan East Elementary School at residente ng Barangay Maguiron. Patuloy naman ang imbestigasyon sa naganap na krimen. (Ed Casulla)

Opisyal ng Sayyaf todas

Isa na namang opisyal ng grupong Abu Sayyaf ang iniulat na nasawi makaraang makasagupa ang tropa ng Phil. Army sa liblib na bahagi ng Sitio Buta-Buta sa Barangay Parian Dakula, Pandami, Sulu kahapon ng umaga. Bandang alas-7 ng umaga nang sumiklab ang sagupaan at napatay si Sam Andal, logistic at liaison officer ng grupong Abu Sayyaf. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, narekober sa lugar ng engkuwentro ang isang M-16 Armalite riffle, isang M-79 grenade, mga bala at magazine. (Danilo Garcia)

ABU SAYYAF

BARANGAY INAMAN PEQUENO

COLOR

ED CASULLA

WINDOWTEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with