^

Probinsiya

AFP vs NPA: 3 todas, 7 sugatan

-

Tatlo-katao kabilang ang dalawang sundalo ng Phil. Army ang iniulat na nasawi habang pitong iba pa ang nasugatan makaraang mag­sagupa ang tropa ng militar at mga rebeldeng New Peo­ple’s Army sa liblib na baha­ging sakop ng Barangay Bulan-Bulan sa bayan ng  San Remegio, Antique noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga sunda­long napatay na sina Corporal Francis Sevilla at Pfc. Joel Intas, habang inaalam na­man ang pagkikilanlan ng ama­sonang napatay. Samantala, lima sa mga rebelde ay nasugatan at maging sina Pfc Arthur Azarcon, 23; at Pfc Rodolfo Domopoy na nga­yon ay nasa Ramon Masa Memorial Hospital. 

Sa phone interview kay Lt. Gen. Victor Ibrado, paba­lik na sa kampo ang tropa ng  31st Division Reconnaissance Company ng 3rd Infantry Division (ID) na tuma­yong security convoy ni San Remegio Mayor  Elizabeth Coloso sa inagurasyon ng bagong gusali ng Algera Elementary School nang may sumabog na landmine matapos na maihatid sa kaniyang bahay ang nasa­bing alkalde.

Kasunod nito ang sunud-sunod na putok ng baril mula sa mga nakaantabay na rebelde na nagtatago sa da­muhan sa gilid ng highway. 

Sa kabila naman ng sor­presang pag-atake ay hindi nasiraan ng loob ang mga sundalo na nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde hanggang sa mapatay ang dalawang sundalo at isang amasonang rebelde. Joy Cantos

ALGERA ELEMENTARY SCHOOL

BARANGAY BULAN-BULAN

CORPORAL FRANCIS SEVILLA

DIVISION RECONNAISSANCE COMPANY

ELIZABETH COLOSO

INFANTRY DIVISION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with