Anak ‘inaswang’ ng ama
Inaresto ng mga awtoridad ang isang ama matapos itong ireklamo ng panggagahasa sa kaniyang 10 anyos na anak na babae sa Koronadal City, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang suspek na si Roger Porte, 43, residente ng Barangay Saravia ng nasabing lungsod.
Ang biktima na itinago sa pangalang Niña ay nagreklamong tatlong beses umano siyang ginahasa ng kanyang ama.
Nagpapakalasing muna ang suspek at tinatakot ang anak na papatayin umano ito kapag nagsumbong sa kanilang mga kasambahay.
Gayunman, itinanggi ni Porte ang alegasyon ng anak at iginiit na may tampo lamang umano ang bata laban sa kaniya. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending