Baby kinatay ng adik
Halos nagkaputul-putol ang murang katawan ng isang taong gulang na si Nica Novero, samantalang ginagamot naman sa Bicol Medical Center sa Naga City sina Miguela Novero, 42; Norie May Novero 10, grade 4 pupil at si Lionel Novero, 4.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naitala ang krimen ganap na alas-7 ng gabi habang ang mag-iinang biktima ay magkakasamang naghahapunan sa loob ng kanilang tahanan.
Napag-alamang nanlilisik ang mga mata ng suspek na may hawak na matalim na itak nang pumasok sa loob ng bahay ng mga biktima
Kaagad na napuruhan si Nica na nakaharap sa kanyang ina at isinunod na tagain ay ang mag-iinang magkakatabi sa hapag-kainan.
Nabatid na itinaon ng suspek na wala ang mister na si Miguel Novero dahil hindi na ito nakakauwi mula sa kanyang trabaho.
Sinisilip ng mga imbestigador ang mga anggulong paghihiganti at napagtripan lamang na isagawa ang krimen dahil sa pagiging adik ng suspek.
- Latest
- Trending