^

Probinsiya

Manager ng NFA sinibak

-

Sinibak sa puwesto ang provincial manager ng National Food Authority sa Cotabato na pinaniniwa­laang sang­kot sa iligal na pagpapalabas ng 20 libong sako ng bigas sa isa nilang bodega.

Epektibong ti­nang­gal sa tung­kulin noong Biyernes si Anthony Ma­riano Bernad habang isinasailalim pa ito sa imbestigasyon kaugnay sa pag­pa­palabas ng 21,000 sako ng bigas sa kanilang NFA warehouse sa North Cotabato mula Marso 6 hanggang 18.

Sa ulat ni Central Mindanao NFA regional director Rogelio Macutay, nagkaroon ng matinding demoralisyon ang mga kawani matapos na iulat ng Grain Retailers Confederation (Grecon) ang iligal ni Bernad nang hiramin ang kanilang passbooks para mailabas ang mga stock na bigas. 

Itinanggi naman ng Grecon na natanggap nila ang mga sako ng bigas. May posi­bi­li­dad na napunta ang mga sako ng bigas sa mga retailer na hindi akredito ng NFA. (Danilo Garcia)

ANTHONY MA

BERNAD

DANILO GARCIA

GRAIN RETAILERS CONFEDERATION

GRECON

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NORTH COTABATO

ROGELIO MACUTAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with