^

Probinsiya

2,000 barangay kontrolado na ng NPA

- Ni Malu Manar -

KIDAPAWAN CITY – Kontrolado na ng mga rebeldeng New People’s Army ang 2,000 barangay sa mga liblib na bayang sakop ng Mindanao.

Ito ang tala na ipina­ra­ting kahapon sa NGAYON, ni Ka Oris, spokesman ng National Democratic Front (NDF) sa Mindanao, ay ta­liwas sa ipinahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na paliit na nang paliit ang masa ng ka­nilang grupo.

Sa pagdiriwang ng ika-39 anibersaryo ng NPA bukas (Marso 29), sinabi pa ni Ka Oris, na aabot sa 20 tactical offensive ang na­ilunsad ng NPA simula pa Enero 2008.

Simula 2006, aabot sa 200 de-kalibreng armas ang kanilang nakumpiska mula sa mga raid na isi­nagawa sa iba’t ibang panig ng Mindanao.

Kabilang na ang raid sa Davao Penal Colony sa bayan ng Sto. Tomas, Davao del Norte; Cantilan, Surigao del Norte; Lawan-Lawan, Las Nieves, Agu­san del Norte, Barangay Bituan, Tulunan, North Co­tabato; Valencia, Bukidnon; at sa Upper Bautista, Sa­pang Dalaga, Misamis Occidental.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BARANGAY BITUAN

DAVAO

KA ORIS

LAS NIEVES

MINDANAO

MISAMIS OCCIDENTAL

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

NORTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with