Cavite shootout: Pulis, 2 pa todas

CAVITE — Tatlo-katao ka­bilang na ang isang alagad ng batas ang iniulat na namatay, samantalang sugatan na­man ang isa pang pulis sa naganap na madu­gong shoot­out sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Christopher Olazo, ang mga nasawi na sina PO1 Jimmy Tobias, 32, naka-assign sa PNP-Special Action Force sa Camp Belarmino, Silang, Cavite; Avelino Ruiz, 42, ng Barangay Batas at ang suspek na si Julian Laureles ng Barangay Lidlid, Silang, Cavite.

Sugatan naman si PO1 Abelardo Maala ng Baran­gay Tartaria na kasaluku­yang ginagamot sa Dela Salle University Medical Center sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa ulat, lumilitaw na nagpapahinga si Ruiz sa kanyang bahay nang lusubin at pagbabarilin ng grupo ni Julian Laureles kasama ang kapatid nitong si Nicanor Laureles at ang kaibigang si Jovee Dionisio bandang alas-3:30 ng hapon

Sa follow-up operation ng pulisya, inabutan ang tatlong suspek sa bahay ng mga ito sa Barangay Lidlid hang­gang sa magkabarilan ng ilang minuto na nag­resulta ng pagkakapatay kay Julian Laureles at PO1 Tobias.

Mabilis naman nakatakas sina Nicanor at Jovee ha­bang nasa kasagsagan ng shootout na kasalu­kuyang tugis ng pulisya.

May posibilidad na awa­yan sa lupa ang isa sa mo­tibo ng krimen kung saan matagal nang kinikimkim ng magkabilang panig.

Show comments