Cavite shootout: Pulis, 2 pa todas
Kinilala ni P/Chief Insp. Christopher Olazo, ang mga nasawi na sina PO1 Jimmy Tobias, 32, naka-assign sa PNP-Special Action Force sa Camp Belarmino, Silang, Cavite; Avelino Ruiz, 42, ng Barangay Batas at ang suspek na si Julian Laureles ng Barangay Lidlid, Silang, Cavite.
Sugatan naman si PO1 Abelardo Maala ng Barangay Tartaria na kasalukuyang ginagamot sa Dela Salle University Medical Center sa Dasmariñas,
Ayon sa ulat, lumilitaw na nagpapahinga si Ruiz sa kanyang bahay nang lusubin at pagbabarilin ng grupo ni Julian Laureles kasama ang kapatid nitong si Nicanor Laureles at ang kaibigang si Jovee Dionisio bandang alas-3:30 ng hapon
Sa follow-up operation ng pulisya, inabutan ang tatlong suspek sa bahay ng mga ito sa Barangay Lidlid hanggang sa magkabarilan ng ilang minuto na nagresulta ng pagkakapatay kay Julian Laureles at PO1 Tobias.
Mabilis naman nakatakas sina Nicanor at Jovee habang nasa kasagsagan ng shootout na kasalukuyang tugis ng pulisya.
May posibilidad na awayan sa lupa ang isa sa motibo ng krimen kung saan matagal nang kinikimkim ng magkabilang panig.
- Latest
- Trending