Maliksi, nagpasinaya ng mga proyekto

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Libu-libong Caviteño ang dumalo sa inagurasyon ng mga ipi­natayong imprastraktura ni Governor Ayong Maliksi sa Capitol Grounds noong Lunes ng umaga kasabay ng kanyang kaarawan at State of the Province Address (SOPA).

Kabilang sa mga ina­gurahan ni Cavite Gov. Maliksi ay ang Provincial Stage, Ceremonial Hall,  Legislative Hall, General Services Office and Warehouse, General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH) Surgical Ward at ang modernong Provincial Gymnasium na kayang mag-host ng PBA out-of-town games.

Dumalo din sa nasabing okasyon ang mga local at mga opisyal ng national government katulad nina Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando, Senator Dick Gordon at Sen. Mar Roxas, Department of Agriculture Secretary Arthur Yap at Presidential Management Staff (PMS) head Serge Re­monde.

Pinangunahan ni Maliksi ang ribbon cutting ng ibat-ibang booths para i-showcase ang mga proyektong Cavite Mass Housing Project and the Solid Waste Processing Facility with Sanitary Landfill, jobs fair, NSO records authentication, LTO licensing, bloodletting activity,  medical mission with free dental and ophthalmology services at ibat-ibang livelihood skills training.

Tinaguriang “Super Ayong,” itutuon ni Gov. Maliksi ang natitirang taon nito sa paglilingkod sa pagpapa­ ganda ng serbisyo sa kalu­sugan, edukasyon at pag­papatayo ng karag­dagang gusali at mga pa­silidad para sa Cavite. (Arnell Ozaeta)

Show comments