^

Probinsiya

Obispo, Mayors’ League sa Cavite, pumalag sa STL ni Atong Ang

-

Tahasang kinondena ng mga kaparian sa Cavite at ng Mayors’ League ang paglalagay ni Atong Ang ng Small Town Lottery (STL) na anila’y hindi ma­ka­tutulong sa kabuhayan ng mga mahihirap kundi makasisira sa moralidad ng mamamayan sa nasa­bing lalawigan.

Sinabi ni Bishop Antonio Tagle na sa STL na sinasabing “pansugpo ng jueteng” ay lalo lamang malululong ang mama­mayan sa sugal. “We cannot condone a culture of gambling,” anang Obis­ po.

Ayon naman kay Mayor Roy Layola ng Cavite Mayors’ League, nagpoprotesta ang liga laban sa STL, at nanawagan na dapat ay muling isalang si Atong Ang sa Senado dahil ipinapakita nito na mukhang hindi pa siya lubos na na-rehabilitate ng penal system.

“Hindi na nagbago si Atong Ang,” pahayag ni Layola, “alam naman ng lahat na front lamang ng jueteng ang STL operation.

Nanawagan din ang mga alkalde kay Cavite Gov. Ayong Maliksi na ibasura ang permiso at lisensya ng kumpanya ni Atong Ang na ipinag­ma­malaki umano ng mga tao nito na malakas na ulit ang kanilang amo sa Mala­cañang.

Napag-alaman aabot sa P1.5 milyon kada araw ang koleksyon sa jueteng sa buong Cavite na pi­naniniwalaang pro­tek­tado ng mga opisyal ng pulisya na nakabase sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus.

Nabuking din na kahit hindi pa nakakabayad ng P10 milyon na bond si Atong ay binigyan na ito ng prangkisa ng PCSO na pinaniniwalaang ginamit na tulay ang isang nag­ngangalang Dodi Sabella Quiñones. (Mhar Basco)

ATONG ANG

AYONG MALIKSI

BISHOP ANTONIO TAGLE

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

CAVITE GOV

CAVITE MAYORS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with