Pastor kinatay sa simbahan

Isang Pastor ng Born-Again Christian ang iniulat na napaslang makaraang pag­tatagain ng isang lalaki na nag-amok sa loob ng maliit na simbahan sa Barangay Bina sa bayang ng Maasin, Iloilo kamaka­lawa ng gabi.

Naisugod pa sa Ramon Tabiana Memorial District Hospital subalit idinekla­rang patay ang pastor na si Ar­mando Corio ng Caba­tuan, Iloilo.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Rizalde Cordero ng nabanggit na barangay. Sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insi­dente kung saan nagtitipon sa loob ng simbahan ang mga mi­yembro ng Born Again Christian para sa  pagsisimula ng church service nang puma­sok ang sus­pek na may hawak na matalim na itak.

Napag-alamang nan­lilisik ang mga mata nang sugurin at pagtatagain ng sus­pek ang nasabing Pastor na ayon dito ay isa umanong ma­sa­mang es­piritu.

Sa ma­tinding takot ay nagpulasan naman pala­bas ng simbahan ang mga mi­yembro ng nasabing reli­hiyon na agad inireport sa pulisya ang insidente.

Show comments