^

Probinsiya

Suspendidong alkalde nagkulong sa munisipyo

-

RIZAL – Umiiral pa rin ang kaguluhan sa bayan ng Rodriguez makaraang mag­kulong sa munisipyo si suspended Rodriguez Ma­yor Pedro Cuerpo isang araw mula nang pasukin niya ito kasama ang kan­yang mga supporter.

Dahil sa kaguluhan ay ipi­nasya naman ni acting Rodri­guez Mayor Jonas Cruz na itigil muna ang lahat ng tran­saksyon sa muni­sipyo upang maiwa­san ang mas malalang situwasyon dahil patuloy pa rin ang ginagawang pagba­barikada ng mga supporter ng dating alkalde sa labas ng tang­gapan.

Nabatid na dalawa sa mga kawani ng munisipyo ang malubhang nasugatan matapos mabaril ng dalawa sa apat na alalay ni Cuerpo gayon pa man, naaresto ng pulisya ang apat na tauhan ni Cuerpo at makumpis­kahan pa ng dalawang ba­ ril.

Hindi rin makakilos ang pulisya para pasukin ang tanggapang pinagkulungan ni Cuerpo dahil sa posi­bleng maging madugo ito kapag nanlaban ang mga supporter nito.

Nauna ng sinibak ni P/Senior Supt. Ireneo Dor­das, ang hepe ng Rodri­guez police na si P/Supt. Em­manuel Bautista dahil sa hindi nito pagkontrol ng kaguluhan noong Lunes.

Si Cuerpo ay binigyan ng 60 days suspension ng Rizal Provincial Government dahil sa iligal nitong pangungu­lekta ng bayad sa mga dray­ber ng trak ng basura na du­maraan sa kanyang nasasa­kupang bayan. (Edwin Balasa)

vuukle comment

EDWIN BALASA

IRENEO DOR

MAYOR JONAS CRUZ

PEDRO CUERPO

RIZAL PROVINCIAL GOVERNMENT

RODRI

RODRIGUEZ MA

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with