Tiyahin kinatay ng adik na pamangkin
Kinilala ang biktimang si Maritess Talandron Paras na nagtamo ng maraming saksak sa katawan, habang nasakote naman ang suspek na si Andres Alcontin Talandron, 23, kapitbahay ng biktima sa nabanggit na barangay.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay dalawang beses nang ipinasok sa drug rehabilitation center dahil na rin sa pagkagumon nito sa droga.
Base sa ulat, kasalukuyang nagbabantay ang biktima sa burol ng ama nito sa kanilang bahay nang biglang pumasok ang suspek saka inundayan ng saksak sa likod ang tiyahin.
Sinubukan pa sanang makatakbo palayo ng biktima habang nagkakagulo na ang mga tao subalit natalisod ito at saka muling pinagsasaksak at pinagtataga sa harap mismo ng mga nahintakutang naglalamay sa patay.
Sa follow-up operation, nasakote naman ang suspek at nagsabing may nakita itong demonyong nagtutulak sa kanyang gawin ang krimen laban sa kanyang tiyahin.
- Latest
- Trending