P.7M ransom sa trader

CAMP OLIVAS, Pam­panga – Isang negosyan­teng Bumbay na napaulat na dinukot ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa national highway na sakop ng Barangay Malhacan, Mey­cauayan, Bulacan noong Martes ng umaga.

Base sa ulat ni P/Senior Supt. Allen Bantolo, Bulacan police director, kinilala ang biktima na si Haji Akhmad, 40, ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, inihatid ng biktima ang kanyang anak sa school at habang pauwi sakay ng motorsiklo ay hinarang siya ng isang Ford Escapade van na walang plaka.

Napag-alamang nag­pakilala sa biktima ang ilang kalalakihan na mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) at sapilitan siyang isina­kay sa nasabing van.

Lu­militaw na nakipag-ugna­yan na ang mga kidnaper sa pa­milya ng biktima at hu­mihingi ng P.7 milyong bilang ransom. (Ric Sapnu)

Show comments