P.7M ransom sa trader
Base sa ulat ni P/Senior Supt. Allen Bantolo, Bulacan police director, kinilala ang biktima na si Haji Akhmad, 40, ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inihatid ng biktima ang kanyang anak sa school at habang pauwi sakay ng motorsiklo ay hinarang siya ng isang Ford Escapade van na walang plaka.
Napag-alamang nagpakilala sa biktima ang ilang kalalakihan na mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) at sapilitan siyang isinakay sa nasabing van.
Lumilitaw na nakipag-ugnayan na ang mga kidnaper sa pamilya ng biktima at humihingi ng P.7 milyong bilang ransom. (Ric Sapnu)
- Latest
- Trending