^

Probinsiya

Holdap: Trader grabe, P.5-M tangay

-

STO. TOMAS, Batangas – Nasa kritikal na kondisyon ang isang negosyanteng lalaki at natangayan pa ng P.5 milyon makaraang holdapin ng apat na armadong kalalakihan sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas kama­ka­lawa ng umaga

Kinilala ni P/Supt. Raul Tacaca, hepe ng Sto Tomas PNP, ang biktimang si Noel Guevarra, may-ari ng door-to-door money delivery service at residente ng San Felix, Sto Tomas, Batangas.

Ayon sa ulat, nag-withdraw ng P.515 milyon si Guevarra sa Metrobank-Tanauan Branch nang harangin ng apat na kalalakihan sakay ng 2- motorsiklo habang binabagtas nito ang barangay road sa Barangay San Roque lulan ng kanyang Toyota Corolla (TES-354) bandang alas-11 ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan ang biktima matapos barilin ng mga suspek at tangayin ang dala nitong P515,000

Mabilis na itinakbo sa St. Cabrini Hospital ang biktima habang patuloy pa rin ang pagtugis sa mga holdaper. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BARANGAY SAN ROQUE

BATANGAS

CABRINI HOSPITAL

METROBANK-TANAUAN BRANCH

NOEL GUEVARRA

RAUL TACACA

SAN FELIX

STO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with