Misis, buntis kinatay ni mister
CAMP SIMEON OLA,
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Gemma Tuazon, habang ang suspek na nakarehas na bakal ay nakilalang si Sonny Tuazon, 28.
Nabatid na nagpapahinga sa loob ng kanilang tahanan ang nasabing misis nang lapitan at undayan ng saksak at gilitan pa sa leeg ng suspek.
Napag-alamang humalakhak pa ang suspek ayon na rin sa mga kapitbahay na agad namang ipinagbigay-alam sa pulisya ang krimen.
Nagresponde ang pulisya at bandang alas-8 ng umaga nang hukayin ang kinaroroonan ng bangkay ng biktima sa loob ng kanilang bahay, base na rin sa impormasyong nakalap mula sa mga kapitbahay ng mag-asawa.
Sa presinto ng pulisya ay nanlilisik pa ang mga matang inamin ng suspek na siya ang pumatay sa sariling misis sabay na humalakhak kaya naghinala ang mga awtoridad na nasisiraan ng bait ang mister.
Sa isinagawang awtopsiya ni Dra. Luz Valerio, lumilitaw na sinaksak, ginilitan at hinampas ng matigas na bagay ang ulo ng biktima.
- Latest
- Trending