^

Probinsiya

‘Pulis-kotong’ dinakma ng NBI

-

CEBU CITY – Naha­ha­rap sa balag ng alanganing ma­sibak sa tungkulin ang isang tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-7 (CIDG) na pina­niniwalaang nangotong ng malaking hala­ga sa isang sibilyan maka­raang ma­sakote ng mga ta­uhan ng National Bureau of Investigation sa isinagawang entrapment operation sa fastfood chain sa Mandaue City, Cebu kamakalawa.

Pormal na kinasuhan sa piskalya ang suspek na si SPO4 Reynaldo Matillano na nakabase sa Camp Sotero Cabahug. Napag-alamang inireklamo ang suspek ni Ronnie Hernani ng Ba­rangay Polpogan, Conso­lacion, sa opisina ng NBI sa pangu­nguna ni Atty. Bernard dela Cruz  kaug­nay sa pangongo­tong ng P.1 mil­yon para hindi ma­isu­long ang kasong illegal possession of fiream. Ayon sa ulat si Hernani ay na­aresto ng grupo ni Matillano kasama na ang lima pang pulis ng CIDG-7 noong nakaraang Linggo sa bisini­ dad ng Consolacion dahil sa dala-dala nitong baril.

Napag-alamang hini­ngan ni Ma­tillano si Hernani ng P100,000 ngunit tuma­wad pa ng P70,000 ang biktima hang­gang sa mag­reklamo na ang huli sa NBI. Mariin namang pinabula­anan ni Matillano ang aku­sasyon sa kanya at sina­bing tinu­tulungan lang niyang ma­kakuha ng lisen­sya ng baril si Hernani.

Ayon naman kay P/Senior Supt. Zoilo Lachica, Jr., hepe ng regional CIDG-7, nahaha­rap ng posibleng pagka-dismiss sa serbisyo si Matillano. (Edwin Ian Melecio)

AYON

CAMP SOTERO CABAHUG

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EDWIN IAN MELECIO

MATILLANO

NAPAG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with