4 dedo sa grenade blast

DAVAO DEL SUR – Apat-katao ang iniulat na nasawi habang 19 iba pa ang nasu­gatan makaraang sumabog ang granada na nahulog mula sa isang lalaking nagsasayaw sa disco party sa Barangay New Sulop sa bayan ng Sulop, Davao del Sur kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga nama­tay ay sina Renato Pelonio, 30, miyembro ng Civilian Volunteer Organization at resi­dente ng Barangay Roxas; Servillano Brigoli, 56, ng New Cebu, Davao del Sur at si Junreal Brigoli, 20, ng Brgy. Roxas. Ayon sa ulat, nasa bulsa at hawak-hawak ni Pe­lonio, ang granada habang nakikipagsayawan ito nang maisipan dukutin subalit aksidenteng nabunot nito ang safety pin at sumabog. Sa imbestigasyon ng Sulop PNP, posibleng sumabog ang gra­nada sa bulsa ng biktima dahil wala silang nakitang butas sa lupa  na pinangyarihan ng insi­dente. ( Boyet Jubelag)

Show comments