Dyipni hulog sa bangin: Trader dedo, 20 sugatan

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang 48-anyos na negosyante ang iniulat na namatay samantalang umaabot naman sa 20 iba pa ang nasugatan maka­raang mahulog ang sina­sakyang pampasaherong jeep sa banging sakop ng Barangay San Nicolas sa bayan ng Magsaysay, Occidental Mindoro kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior  Supt. Audie Arroyo, provincial police director, ang nasawing biktima na si Danny Mauricio ng Jaen, Nueva Ecija. Apat sa mga biktimang nasaktan ay sina Norma Mata, Bonbon Cas­tillo ng Barangay Kanina­wit; Romeo Villaverde at Amjag Rana, isang Pakistani.  Ayon kay PO2 Leo­poldo Quiloy, overloaded ang jeepney (VBE-624) na patungong Magsaysay mula sa bayan ng Bulala­kaw nang mawalan ng control sa manibela ng drayber dumausdos sa bangin ban­dang alas-10 ng umaga- Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang drayber matapos ang ak­sidente samantalang na­ngako naman ang may-ari ng jeepney na tutulong sa mga nasaktan at sa pa­milya ng nasawing pasa­hero. (Arnell Ozaeta)

Show comments