^

Probinsiya

Tipus outbreak: 4 dedo

-

Apat-katao na ang naitalang namatay ha­ bang umaabot naman sa 217 iba pa ang naos­pital makaraang mana­lasa ang typhoid fever sa Iloilo City, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat na naka­rating kahapon sa Office of Civil Defense, ang apat na namatay ay mula sa city proper na nakapag­tala rin ng pinakamataas na bilang ng mga biktima ng tipus kung saan na­itala sa 120-katao ang positibo sa bacterium Salmonella typhi.

Sa Jaro District, uma­abot sa 29-katao ang natipus habang 22 naman sa Molo, ma­ging sa Arevalo Distric ay nakapagtala ng 11 bi­ktima, 17 sa La Paz at 18 naman sa Man­dur­riao; pawang sakop ng Iloilo City.

Kabilang sa mga biktima ay si Ba­ rangay Chairman Jo­nas Bello­sillo, pa­ngulo ng Association of Barangay Captains sa bayan ng Jaro, Iloilo City at na­ka­labas na sa ospital.

Kaugnay nito, ipi­nag-utos na ni Mayor Jerry Treñas, ang pag­­momo­nitor sa mga ‘waterfront barangas’  san­hi ng pag­taas ng kaso ng typhoid fever simula pa noong Peb­rero 3 hanggang Ling­go ng Marso 2008.

Kabilang sa mga barangay na minomo­ nitor ay ang Barangay Mueller Loney, Zamora, Veterans Village, General Hudges at Ba­rangay Sto. Rosario-Duran.  Samantala, nagsasa­gawa na ng pagsusuri ang mga opisyal ng pama­ha­laang lungsod kasama ang mga health officials  sa mga inuming tubig na pinaniniwalaang kontaminado ng nasa­bing bacteria. (Joy Cantos)

AREVALO DISTRIC

ASSOCIATION OF BARANGAY CAPTAINS

BARANGAY MUELLER LONEY

CHAIRMAN JO

CITY

ILOILO CITY

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with