^

Probinsiya

2 todas sa steel platform

-

ZAMBALES    Dala­wang operator ng rigger ang iniulat na nasawi ma­tapos madaganan ng steel platform sa Hanjin Heavy Industries Co., LTD sa Redondo Peninsula na sakop ng Sitio Agusuhin, Barangay Cawag, Subic, Zambales, noong Lunes ng gabi.

Sa ulat na naka­rating sa Camp Olivas, nakilala ang mga bikti­mang sina Eduardo Mo­nila, 36; at Niel Mojica, 40, kapwa kawani ng sub-contractor Globe Distribution Services, Incorp. at mga residente ng Ba­rangay Balaybay, Cas­tillejos. Sa inisyal na im­bestigasyon ng pulisya, lumilitaw na aksidenteng bumagsak ang 5-tonela­dang steel platform kung saan ang dalawang bik­tima ay nasa gilid ng Quay wall 3, steel stockyard ng Hanjin.

Kaagad naman si­ nak­lolohan ng mga rescue team ang dalawa, subalit hindi na naisalba ang kanilang buhay, ayon pa sa ulat.

Magu­gunita na noong Enero 18, dalawa ring traha­bador ng Hanjin ang iniulat na namatay ha­bang apat na iba pa ang na­sugatan matapos su­ma­bog at masunog ang ship assembly dahil sa pag­singaw ng oxygen tank. (Alex Galang)

ALEX GALANG

BARANGAY CAWAG

EDUARDO MO

GLOBE DISTRIBUTION SERVICES

HANJIN

HANJIN HEAVY INDUSTRIES CO

NIEL MOJICA

REDONDO PENINSULA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with