Senior coed dedo sa kawatan
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang 19-anyos na estudyante ang iniulat na napatay makaraang pasukin ng mga magnanakaw ang bahay nito sa bayan ng Pila, Laguna noong Sabado ng hapon.
Kinilala ni P/Senior Supt. Felipe Rojas, Jr. Laguna police director, ang biktimang si Kristian Elona, 4th year college student ng
Ayon sa imbestigasyon, natagpuan ang bangkay ni Elona sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Linga bandang alas- 3 ng hapon.
Sa pagsisiyasat ng mg tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo si Elona ng multiple stab wounds sa ibat-ibang bahagi ng katawan nang matagpuang nakalugmok sa sahig ng kwarto nito.
Posibleng nakilala ng biktima ang mga suspek kaya ito tinuluyang patayin matapos igapos ang mga kamay nito gamit ang sintas ng sapatos.
Bago tumakas, tinangay ng mga kawatan ang Motorola L6 celfone ng biktima.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Pila police para tugisin ang mga salarin.
- Latest
- Trending