Holdap: 2 trader dedo sa Batangas

BATANGAS – Dalawang negosyante ang iniulat na napatay matapos holdapin ng dalawang di-pa kilalang kalalakihan sa panibagong karahasan na naganap sa Lipa City  kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Rodney Ramirez, hepe ng Lipa PNP, ang mga biktimang sina Edmund Casio, 45, ng Canlubang, Laguna at isa pang kasama nito na nakilala lamang na Tony na kapwa mga buyer ng scrap materials.

Ayon sa ulat, lulan ng Mitsubishi L-300 van (WKR-327) ang mga biktima nang harangin ng dalawang armadong kalalakihan pagsapit sa Barangay Munting Pulo bandang alas-10:30 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng binaril ng mga holdaper ang dalawang biktima matapos na tumanggi ang mga ito na ibigay ang kanilang pera na nagkakahalaga ng  P350,000 na nakatago sa likod ng upuan ng kanilang sasakyan.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya para makilala ang mga holdaper. (Arnell Ozaeta)

Show comments