P1.3-M para sa OCPO

OLONGAPO CITY – Dalawang bagong sasakyan na nagkakahalaga ng P1.3 milyon ang ipinagkaloob ng  lokal ng pamahalaan ng Olongapo City sa kapulisan ng nabanggit na lungsod.

Sa simpleng seremonya na ginanap kasabay ng 17nd PNP Day sa Camp Cabal sa Barangay Barretto, inabot ni Olongpo City Mayor James “Bong” Gordon at ng kanyang misis na si Zambales Vice Governor Anne Gordon, ang mga susi ng  Mitsubishi L300 at Hyundai Getz kay P/Senior Supt. Abelardo Villacorta, OCPO director.

Ang donasyon ay bahagi ng programa ng lokal na pamahalaan para lalong mapanatiling tahimik ang nabanggit na lungsod. Kasunod nito, nangako naman si Vice Gov. Gordon na magbibigay ng 20-bisikleta sa kapulisan para sa pagpapatrolya sa mga lansangan.

Nauna nang nag-donate ng mga handheld radio si Mayor Gordon sa pulisya para mapadali ang serbisyo sa publiko. (Alex Galang)

Show comments