^

Probinsiya

‘Killer’ ng brodkaster sumuko

-

Matapos ang mahigit apat na taong pagtatago sa batas, sumuko kahapon ang ex-mayor na pangunahing suspek sa pagpatay sa station manager/broadcaster ng Bombo Radyo sa Kalibo, Aklan noong Nob. 2004.

Sa ulat ni P/Supt. Benigno Durana, bandang alas-3 ng hapon nang sumuko si dating Lizo, Aklan Mayor Fred Arsenio sa Kalibo Regional Trial Court Branch 7.

Si Arsenio na naghain ng petition for bail sa kasong murder, ang itinuturong bumaril at  nakapatay kay Boy Hinolan, noong Nob. 13, 2004 sa nabanggit na bayan.

Nagtago sa batas si Arsenio matapos magpalabas ng warrant of arrest ang korte laban dito noong Setyembre 2006.

Isinailalim na sa kustodya ng Aklan Rehabilitation  Center si Arsenio. (Joy Cantos)

vuukle comment

AKLAN

AKLAN MAYOR FRED ARSENIO

ARSENIO

BENIGNO DURANA

BOMBO RADYO

BOY HINOLAN

JOY CANTOS

KALIBO REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SI ARSENIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with