^

Probinsiya

Sulyap Balita

-

Dalaga inutas ng syota

Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang dalaga makaraang gulpihin ng kaniyang sadistang syota dahil sa matinding pagseselos kamakalawa sa Davao del Sur. Natagpuang patay ang biktimang itinago sa pangalang Jona ng Barangay Visayan Village, Tagum City. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas “Pitoy”. Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nadiskubre ang krimen matapos matagpuan ang bangkay ng biktima bandang alas-4 ng hapon ng kanyang kaibigan na si Ana Mae Valles, 23. Sa salaysay ni  Ana Mae, sinabi nitong naghihinala siyang  pinatay sa gulpi ang kanyang kaibigan  ng kasintahan nito na ayon sa kanya ay labis na seloso. (Joy Cantos)

Pulis todas sa ambush

Tinambangan at napatay ang isang alagad ng batas ng mga ‘di-pakilalang kalalakihan sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Billoca, Batac City, Ilocos Norte kamakalawa. Sampung bala ng baril ang tumapos sa buhay ni SPO2 Gerry Soliven ng Police Mobile Group ng Ilocos Norte Provincial Police Office (PPO). Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 1 na nakarating sa Camp Crame, sakay ng motorsiklo (AQ7515) ang biktima mula sa Laoag City nang harangin at ratratin ng mga maskaradong kalalakihang sakay din ng motorsiklo. Bago tuluyang nagsitakas ay nilapitan pa ng mga killer ang biktima at muling pinaputukan upang tiyakin na hindi na ito mabubuhay pa. Narekober sa crime scene ang sampung basyo ng baril at ang service firearm na may walong bala na pag-aari ng biktima. (Joy Cantos)

vuukle comment

ANA MAE

ANA MAE VALLES

JOY CANTOS

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with