Matinding kahihiyan ang sinapit ng isang 21-anyos na lalaki makaraang maaktuhang ginagahasa nito ang isang baboy sa loob ng piggery sa bayan ng Murcia, Negros Occidental kamakalawa ng madaling-araw.
Kalaboso ang binagsakan matapos na ipinaaresto ang suspek na si Crisanto Daunong ng Barangay Amayco, Murcia, Negros Occidental.
Si Daunong ay inireklamo sa pulisya ni Ruben Tulo, caretaker ng Hacienda Hubillanos sa naturang lalawigan.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na naalimpungatan si Mang Ruben sa ingay na dulot ng alaga nitong apat na buwang baboy.
Kaagad na tinungo ang babuyan at naaktuhan ang suspek na hinahalay ang kanyang baboy.
Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek ang panghahalay sa baboy at sinabing nagawa lamang niya ito dahil sa labis na kalasingan.
Gayon pa man, pinakawalan din ang suspek dahil sa kawalan ng kasong maisasampa laban dito. (Joy Cantos)